LAKBAY SANAYSAY 2018 ( SKY RANCH PAMPANGA)
ni: Carlo L. Edolmo
Isa sa pinakamagandang gawin sa ating buhay ay ang maglakbay
sa buong mundo. Kaya naman napakasaya ko na nagkaroon kami ng proyekto na
Lakbay Sanaysay. Isa ito sa mga hindi ko malilimutan sapagkat ang dami kong
nasakyan na rides na walang limitasyon.
Isa ito sa pinagmamalaki ng Sky Ranch sa Pampanga ito ay ang
“VIKING”. Ito an gaming unang sinakyan sapagkat alam naming na mahaba na ang
pila dito pagdating sa gabi kaya naman ito na ang inuna naming ngunit nabigla
ako dahil kung titignan mo ito ay napaka simple lang pero nagkamali ako dahil
sa hindi inaasahang pangyayari ay nakuha kong nahilo at nagsuka kaya naman
halos dalawang oras kami ng pahinga sa SM Pampanga.
Ang pinaka magandang rides sa Sky Ranch ay ang “PAMPANGA EYE”
kung saan mahina lamang ang ikot nito ngunit masasabi mo na sulit dahil makikita mo talaga ang ganda
ng Pampanga. Isa ito sa mga gusto ko pang sakyan sa susunod na pupunta ulit
ako/kami dito.
Ang Lakbay Sanaysay ay hindi biro sapagkat magagalaw talaga
ang ipon mo subalit sulit naman lalo na kapag maganda ang iyong pinuntahan gaya
na lamang ng Sky Ranch sa Pampanga.
No comments:
Post a Comment